Lunes, Marso 21, 2011

Kinadenahang Lapis at Papel



    Bawat estudyante na pumapasok sa mga dingding ng silid-aralan ay tinuturuan sumulat at bumasa. Gamit ang lapis at papel, malaya ang mga batang may musmos na kaisipan na makapagsulat ng kanilang saloobin at kaalaman. Subalit paano kung ang lapis at papel na ito'y may nakakapit na malamig na kadena?

    Sa munting bayan ni Juan, nananalantay sa  mga ugat ng bawat mamamayang Pilipino ang kalayaang makapagpahayag ng kanya-kanyang saloobin. Makakabuti man ito o hindi, malaya ang bawat isang ibulalas ang mga salita at saloobin na nais kumawala sa kanya- kanyang bibig. Subalit ang kalayaang ito ang siyang naglalagay sa bawat isa sa malayang pakiramdam. Kalayaan na siyang hinahadlangan ng ilan na nasa kapangyarihan.


    Ilang butas ang nakikita ng iilan sa kalayaang ito, isa na rito ang Hate Speech o mga pahayag na ikasasama ng pagkatao ng iba. Tumutukoy din ito sa mga pahayag na dapat ay pribado subalit isinasapubliko. Ilang bansa tulad ng Australia, Canada at Singapore ang nagpapanukala ng batas ukol dito.

    Nagpapatunay lamang ito na hindi lahat ng tao sa mundong ibabaw ang may karapatang magsumigaw ng kanilang saloobin at nalalaman ng basta- basta lamang. Na hindi lahat ay nakakamtan ang kalayaan at nakikipagtalastasan ng walang alinlangan sa batas na siyang nakaabang. Kalayaan na nakadepende na lamang kung gagamitin sa masama o mabuti.

    Kalayaang tulad ng kinadenahang lapis at papel na sa oras na higitin ang kadenang nakakabit dito, mapipilas at mababali ang bawat parte nito.








Hinalaw:

http://en.wikipedia.org/wiki/Hate_speech

http://en.wikipedia.org/wiki/Hate_speech#Australia

http://en.wikipedia.org/wiki/Hate_speech#Canada

http://en.wikipedia.org/wiki/Hate_speech#Singapore

Unang larawan: http://www.google.com/imgres?imgurl=http://www.gvnfoundation.org/programs/projects/philippines/images/writing.jpg&imgrefurl=http://www.gvnfoundation.org/programs/projects/philippines/&usg=__YZJkRuPf_wHEmjEg4EGxtyl8bE8=&h=264&w=198&sz=34&hl=tl&start=6&sig2=bNbqvpKiffOtl1YGrs_tzA&zoom=1&um=1&itbs=1&tbnid=j7X8E2tH1KDNQM:&tbnh=112&tbnw=84&prev=/images%3Fq%3Dfilipino%2Bchildren%2Bwriting%26um%3D1%26hl%3Dtl%26sa%3DG%26biw%3D1280%26bih%3D709%26tbs%3Disch:1&ei=ZEKHTePzCdO3caWU_ZgD

Ikalawang larawan: http://www.google.com/imgres?imgurl=https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhj3RtxT35dzf1YCRtw3gY5_DFeK43gxVJSGwT2tYE9R96Ao90A9lackTDIVeHvx35RqcShGRcXikHMMomFoa-SnkiQE-5IBrx0m2LO1jA8fbz3qW1gVk1njmiX4Xd80-2L0F8_JEOecC0/s1600/Piotr+Kowalik-Freedom+of+Speech.jpg&imgrefurl=http://stefanorofena.blogspot.com/2010/05/la-coscienza-della-liberta-e-la-liberta.html&usg=__mMP5B4H0pvSrCYhNZx6GSf_4k0E=&h=697&w=550&sz=24&hl=tl&start=2&sig2=inD2EUrpgU-apBigidG4QQ&zoom=1&um=1&itbs=1&tbnid=I58gE3b5wOi0nM:&tbnh=139&tbnw=110&prev=/images%3Fq%3DPiotr%2BKowalik-Freedom%2Bof%2BSpeech%26um%3D1%26hl%3Dtl%26sa%3DG%26biw%3D1280%26bih%3D709%26tbs%3Disch:1&ei=nkuHTa2GDMmwcYGmvZ4D